
Buo ang loob ng Office of the Ombudsman na sapat ang ebidensya upang kasuhan ng plunder si Senator Rodante Marcoleta matapos umano itong tumanggap ng kabuuang ₱75 million mula sa iba't ibang indibidwal.
Ayon sa tanggapan, gaya ng panawagan ng mga raliyista, transparency at accountability ang kanilang isinusulong.

Iginiit ng Malacañang na hindi magiging daan ang anumang rally upang maabsuwelto si Sen. Rodante Marcoleta sakaling sampahan ito ng kaso.
Payo ni Palace Press Officer Claire Castro, maniwala na lang ang senador sa justice system ng bansa.

Mariing tinuligsa ni Sen. Imee Marcos ang kasalukuyang administrasyon sa isinagawang rally kahapon, June 30, ng isang religious group sa may EDSA White Plains.
Isa ang presidential sister sa mga nakiisa at nagpahayag ng suporta sa isinagawang protesta.

Kinontra ng Palasyo ang naging akusasyon ni VP Sara Duterte sa administrasyong Marcos kasunod ng nangyaring rally kahapon, June 30 na resulta umano ng poor governance.

Inilagay na sa red alert status ng Armed Forces of the Philippines ang kanilang pwersa bunsod ng isinasagawang rally ng isang religious group sa may EDSA White Plains na nagsimula pa kahapon.
Ayon sa AFP, nangangahulugan ito na nakaalerto ang kanilang buong hanay sakaling kailanganin sa isang operasyon.