Back

UNTV News and Rescue

1:51
Politics

US, may nakahandang “better deal” para sa Iran

April 22, 2026 2:02 PM
PST

Mas maganda at mas matibay na nuclear deal ang layong mabuo ng Estados Unidos para sa Iran kung muling magkakaharap ang mga kinatawan nito para sa isang negosasyon.

Gayunman, hanggang ngayon ay nananatiling nakabinbin ang pag-uusap kasunod ng paninindigan ng Iran na hindi sila magpapadala ng delegasyon sa Pakistan para sa isang kasunduan kasama ang Amerika.

2:06
Politics

Isa pang oil tanker na pinaghihinalaang konektado sa Iran, naharang ng US forces sa Indian Ocean

April 22, 2026 2:02 PM
PST

Pinigil at sinakyan ng puwersa ng Estados Unidos ang isang oil tanker sa Indian Ocean na umano’y konektado sa Iran.

Ito na ang ikalawang vessel na isinailalim sa US interdiction kasunod ng pinalawak na operasyon ng Amerika upang hadlangan ang mga sasakyang pandagat na lumalabag sa sanctions.

0:51
Crime & Investigation

Tulong at hustisya sa 2 OFW na pinatay ng kanilang employer sa Lebanon, tiniyak ng DMW

April 22, 2026 2:01 PM
PST

Tiniyak ng Department of Migrant Workers ang pagpapaabot ng tulong sa naulilang pamilya ng dalawang overseas Filipino workers sa Lebanon na pinaslang ng kanilang employer sa gitna ng isang hostage incident noong April 15, 2026.

1:21
Crime & Investigation

30-araw na suspensyon, ipinataw ng LTFRB sa bus fleet kasunod ng Quezon Road crash

April 22, 2026 2:00 PM
PST

Pinatawan ng 30-araw na suspensyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang fleet ng isang provincial bus line.  

Kasunod ito ng pagkakasangkot ng naturang bus sa isang road crash sa kahabaan ng national road sa Barangay Silangang Malicboy sa Pagbilao, Quezon noong April 20.

2:34
Politics

P46.22-B na pondo para sa iba’t ibang infrastructure projects, inilabas na ng DBM

April 22, 2026 1:59 PM
PST

Inilabas na ng Department of Budget and Management ang pondo para sa ilang mahahalagang infrastructure projects ng bansa.  

Samantala, ayon sa Malacañang, nananatili ang kumpiyansa ng mga mamumuhunan sa bansa kasunod ng naging pananaw ng Fitch Ratings sa credit rating ng Pilipinas na naging "negative" mula sa "stable".