
- Tacloban school shooting, iniuugnay sa online extremist group na ‘764’; tiyahing pulis ng isang namaril, umaming wala sa safety vault ang baril na ginamit ng pamangkin
- Pag-uugnay sa impeachment trial ni VP Sara sa pagsasampa ng plunder case vs Sen. Marcoleta, kinontra; kaso, tuloy sa kabila ng mga protesta
- Insidente ng pananaksak sa loob ng isang paaralan sa Zamboanga, mino-monitor ng DepEd

Wala pang kumpirmasyon kung sino ang susunod na AFP Chief of Staff sa nalalapit na pagreretiro ni General Romeo Brawner Jr. ngayong Hulyo.
Ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., nasa prerogative ng Pangulo ang pagpili ng susunod na lider ng AFP at tumanggi itong isapubliko ang mga isinasagawang rekomendasyon.

Tuloy pa rin umano ang pagkakaso kay Sen. Rodante Marcoleta sa kabila ng mga nagaganap na kilos-protesta ngayon sa Kalakhang Maynila.
Ayon sa Office of the Ombudsman, walang pagbabago sa kanilang plano na papanagutin ang mga lumalabag sa batas.

Sa gitna ng mga idinaraos na kilos-protesta, nagpaalala ang Malacañang sa mga raliyista na mag-ingat at huwag magpagamit sa mga nagpaplano umano ng destabilisasyon laban sa pamahalaan.
Sa kabila nito, tiniyak ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na nakahanda si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa posibilidad na ito.

Walang nakikitang problema si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa naganap na protesta sa White Plains sa EDSA.
Ayon sa Pangulo, ang tanging ikinababahala nila ay baka mapasok ng ibang personalidad o grupo ang rally na ang layon lamang ay manggulo.