
Iginiit ni Atty. Elaine Atienza, tagapagsalita ni dating House Speaker at Leyte 1st District Representative Ferdinand Martin Romualdez na walang batayan ang mga akusasyong nag-uugnay sa mambabatas sa eskandalo kaugnay ng mga ghost flood control projects.

Kinumpirma ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro na matagal nang may mga nagnanais na mapatalsik sa pwesto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Gayunman, handa umano ang palasyo laban sa anomang banta ng destabilisasyon.

Walang kinalaman ang isyu ng impeachment trial kay Vice President Sara Duterte napipintong pagsasampa ng Office of the Ombudsman ng kasong plunder vs Sen. Rodante Marcoleta.
Ito ang tugon ni House Impeachment Trial Spokesperson at Adviser Robert Ace Barbers matapos ang pinakahuling pahayag ng Senador kaugnay ng isyu.

Walang seryosong banta sa seguridad na namomonitor ang Department of National Defense kaugnay ng rally ng isang religious group.
Sa kabila nito ay nananatiling naka-red alert status ang Armed Forces of the Philippines na nagsisilbi ring back-up support sa Philippine National police sa pagpapanatili ng peace and order sa bansa.

Dumipensa ang MMDA sa umano’y hindi paghatak sa mga sasakyan na makahambalang sa EDSA na nagdulot ng matinding trapik.
Sa halip, nag-isyu na lamang ang MMDA ng citation ticket sa mga ‘illegally’ parked vehicles.