
Inaasahang tatalakayin ng Senate Committee on Ethics and Privileges ang mga reklamo laban sa ilang senador matapos maipasa at maaprubahan ang rules ng komite.
Binigyang-diin ng chairperson na dapat may sapat na batayan ang bawat reklamo upang umusad.

Dismayado ang transport group na PISTON sa desisyon ng gobyerno na i-suspend ang nakatakdang fare hike.
Ayon kay Mr. Mody Floranda, presidente ng PISTON, malaking epekto ito sa kabuhayan ng mga jeepney driver at operator dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Dahil dito, tuloy ang nakatakdang transport strike bukas sa NCR at iba't ibang bahagi ng bansa.
Panoorin ang panayam kay Floranda para sa detalye ng hakbang at mga lugar na apektado.

Tinawag ni White House Secretary Karoline Leavitt na katawa-tawa ang mga alegasyon ng nagbitiw na US counterterrorism official na si Joe Kent.
Ayon kay Trump, mainam na rin na umalis ito sa kanyang posisyon dahil hindi ito ayon sa kanyang paniniwala.

Natukoy ng House Justice Committee na may sapat na batayan para ituloy ang proseso ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Dahil dito, sisimulan sa Kamara ang pagdinig sa dalawang reklamong impeachment simula March 25, 2026.

Ipinatigil ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nakatakdang taas-pasahe sa public transportation na ipatutupad sana bukas.
Inatasan ni PBBM ang Department of Transportation na suspendihin muna ang fare increase sa mga pampublikong sasakyan.