Back

UNTV News and Rescue

0:49
Politics

China, nangako ng tulong sa mga bansa sa Southeast Asia

March 20, 2026 9:57 AM
PST

Ipinahayag ng China na handa silang makipagtulungan sa mga bansa sa Southeast Asia upang tugunan ang mga problema sa enerhiya na dulot ng digmaan sa Iran.

Ang pagpapalakas anila ng koordinasyon at kooperasyon ay upang matiyak ang seguridad sa enerhiya sa gitna ng at pagtaas ng presyo at kakulangan ng supply.

1:01
Politics

Trump administration, humihiling ng $200B para sa military operations sa Iran

March 20, 2026 9:57 AM
PST

Humihiling ang White House ng karagdagang 200 billion dollars para sa giyera sa Iran.

Ayon sa Department of Defense, kailangan ang dagdag na pondo para sa armas at bala, lalo na’t marami na ang naipadala sa Ukraine para sa laban kontra sa Russia.

2:37
Politics

NATO, tiniyak na nakikipag-ugnayan na sa Amerika para mabuksan ang Strait of Hormuz

March 20, 2026 9:57 AM
PST

Nagpupulong na ang mga kaalyado ng NATO upang hanapan ng paraan ang muling pagbubukas ng Strait of Hormuz.

Ito ay kasabay ng tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan at ng panawagan ni US President Donald Trump.

1:30
Politics

Tinaguriang ‘world power’, nagpaplano na para sa seguridad sa Strait of Hormuz

March 20, 2026 9:57 AM
PST

Ipinahayag ng anim na makapangyarihang bansa, kabilang ang Britain, France, Germany, Japan, Italy, at Netherlands, na handa silang tumulong sa mga hakbang para matiyak ang ligtas na pagdaan sa Strait of Hormuz.

3:07
Politics

US Pres. Trump, nanawagan sa Japan kaugnay ng sitwasyon sa Middle East

March 20, 2026 9:56 AM
PST

Nagpulong sina US President Donald Trump at Japan Prime Minister Sanae Takaichi sa White House upang talakayin ang lumalalang krisis sa Gitnang Silangan.

Sentro ng kanilang pag-uusap ang seguridad sa Strait of Hormuz at ang epekto nito sa pandaigdigang suplay ng enerhiya.