Back

UNTV News and Rescue

1:33
Crime & Investigation

Dalawang suspek sa pagpatay sa vlogger sa Caloocan, natukoy na ng PNP

July 21, 2026 2:31 PM
PST

Natukoy na ng Philippine National Police ang dalawang suspek sa pagpatay sa isang vlogger sa Caloocan City.

Ayon kay PNP Public Information Office Acting Chief PCol. Allen Rae Co, nakilala ang mga suspek sa pamamagitan ng backtracking, forward tracking ng mga CCTV footage, at mga pahayag ng mga testigo.

2:58
Politics

Posibilidad na mapaaga ang article on unexplained wealth vs VP Duterte, 'di isinasantabi

July 21, 2026 2:31 PM
PST

Hindi isinasantabi ng House prosecution team ang posibilidad na mapaaga ang presentasyon ng article on unexplained wealth laban kay Vice President Sara Duterte.

Kasunod ito ng pagpayag ng Senate impeachment court na i-subpoena ang ilang financial records ng Bise Presidente at ng kanyang asawang si Atty. Manases Carpio.

2:55
Politics

Ilang senator-judges, pinuna ang pagbibigay ng manipestasyon na walang kaugnayan sa impeachment

July 21, 2026 2:31 PM
PST

Hiniling ng ilang senator-judges na itigil na ang mga manipestasyon na walang kinalaman sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Giit ng ilang senador, sa ibang forum na lamang dapat talakayin ang mahahabang pahayag upang mapabilis ang takbo ng paglilitis.

4:06
Politics

BIR Commissioner, dapat nang humingi ng awtorisasyon sa Pangulo para sa subpoenaed records

July 21, 2026 2:30 PM
PST

Matapos aprubahan ng Senate impeachment court ang ilang hiling ng prosecution na ipa-subpoena ang financial records ni Vice President Sara Duterte, sinabi ng prosecution na dapat nang humingi ng awtorisasyon ang BIR Commissioner sa Pangulo upang maisumite ang mga kinakailangang record ng Bureau of Internal Revenue.

5:16
Politics

Depensa, ikinatuwa ang pagtanggi ng impeachment court sa ilang hiling ng prosecution

July 21, 2026 2:30 PM
PST

Itinuturing ng kampo ni Vice President Sara Duterte na maliit na tagumpay ang pagtanggi ng Senate impeachment court sa ilang hiling ng prosecution kaugnay ng subpoena sa kanyang financial records.

Samantala, kumpiyansa ang prosecution na magbibigay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng kinakailangang awtorisasyon kung hihingin ito ng Bureau of Internal Revenue upang maisumite ang tax records.