Back

UNTV News and Rescue

4:00
Politics

Impeachment trial ni VP Duterte, maaaring hindi mabanggit sa SONA ng Pangulo — SP Gatchalian

July 27, 2026 10:09 AM
PST

Posibleng hindi banggitin sa ikalimang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nagpapatuloy na impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.

Ito ang inihayag ni Senate President Sherwin Gatchalian nang tanungin kung kabilang ba sa inaasahan niyang mabanggit sa talumpati ng Pangulo ang ginagawang paglilitis ng Senado.

1:07
Politics

Sen. Alan Peter Cayetano, hinikayat ang publiko na pakinggan ang SONA ni PBBM

July 27, 2026 10:08 AM
PST

Hinihikayat ni Senator Allan Peter Cayetano ang publiko na makinig at tumutok sa nakatakdang SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Bukas, July 28, inaasahan namang magsasagawa ang senador ng kaniyang kontra-SONA.

55:27
Crime & Investigation
Health & Lifestyle
Lifestyle
Politics
Weather & Environment

UNTV: Ito Ang Balita Weekend Edition | July 25, 2026

July 27, 2026 11:14 AM
PST

- Mga nagawa ng Marcos administration sa gitna ng mga hamon sa bansa, inaasahang ilalahad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikalimang State of the Nation Address sa Lunes

- House prosecution, hinamon ang kampo ni Vice President Sara Duterte na maglatag ng counter-evidence at sagutin ang mga alegasyon ng impeachable offenses

- Senado, pinaghahandaan na ang deliberasyon ng 2027 proposed national budget, ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian

‍

1:23
Crime & Investigation

Karim Khan, opisyal nang tinanggal bilang ICC Chief Prosecutor

July 25, 2026 2:50 PM
PST

Opisyal nang tinanggal sa pwesto si International Criminal Court (ICC) Chief Prosecutor Karim Khan matapos bumoto pabor sa kanyang pagpapatalsik ang 82 sa 125 state parties ng Rome Statute sa isinagawang special session noong July 24, 2026, sa United Nations Headquarters sa New York.

‍

1:46
Politics

Russia, naghahanda ng panibagong pag-atake sa Ukraine – Zelenskyy

July 25, 2026 2:47 PM
PST

Nagbabala si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na naghahanda ang Russia ng panibagong malawakang missile attack laban sa Ukraine sa loob ng susunod na 48 oras.

Batay sa intelligence reports ng Ukraine at mga kaalyado nito, nakaalerto na ang Russia at nakahanda na ang mga missile nito para sa posibleng pag-atake.

‍