
- Pag-alis ni Sen. Bato sa Senado, pinaliwanag ni SP Alan Peter Cayetano; Sen. Bato, nais umano ng PNP custody
- Senado, posibleng mag-convene bilang impeachment court sa Lunes, May 18; Integrated Bar of the Philippines, nanawagan ng independence sa Mataas na Kapulungan
- NBI, may paliwanag sa gulo sa Senado; Bigong pag-aresto kay Sen. Bato, hindi kabiguan ayon sa hepe ng kawanihan

Mariing pinabulaanan ng United Arab Emirates ang naging pahayag ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na lihim umano siyang bumisita sa UAE at nakipagpulong sa pangulo nito sa gitna ng giyera laban sa Iran.

Naging sentro ng pagpupulong ng BRICS foreign ministers sa India ang giyera sa Iran at krisis sa langis.
Kasabay nito ay nanawagan ang Tehran sa mga miyembro ng samahan na tuligsain ang pag-atake ng Estados Unidos at Israel.

Sa unang araw ng pagbisita ni US President Donald Trump sa China, nakaharap nito si Chinese President Xi Jinping sa isang bilateral meeting.
Naging sentro ng talakayan ang sitwasyon sa Gitnang Silangan, giyera sa Ukraine, trade talks, AI cooperation at sitwasyon sa Strait of Hormuz.

Nakaalis na kahapon, May 14 si Senator Ronald dela Rosa sa Senate premises.
Ngunit ayon sa Senate Sergeant-at-Arms, nais ni Senator Bato na magpakustodiya sa Philippine National Police.