
Higit P116-B ang inamyendahan ng Budget Amendments Review Subcommittee o BARSc sa panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon.
Nakitaan naman ng isang grupo ng red flags ang ilang inirerekomendang dagdag-pondo.

Tumugon ang Impeachment Court sa mga pahayag ni dating Senador Antonio Trillanes IV sa kanyang press conference kanina.
Kasunod ito ng pag-atras ng House prosecution team sa pagpresenta sa kanya bilang witness sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.

Kinumpirma ng National Bureau of Investigation na naipadala na ang mga imbitasyon kina Vice President Sara Duterte, Rep. Paolo Duterte, dating House Speaker Lord Allan Velasco at asawa nito upang humarap sa kanilang tanggapan.
Layunin ng imbitasyon na bigyang-linaw ang alegasyon ni dating Patrolman Rodulfo Gracioso Jr. kaugnay ng umano’y paghahatid nito ng pera sa mga nasabing personalidad.

-Dating Senador Antonio Trillanes IV, may panibagong alegasyon laban sa mga Duterte
-Desisyon ng Korte Suprema sa petisyon vs July 3 Senate session, natanggap na ng opisina ni Senate President Sherwin Gatchalian
-Pag-urong ng testimonya ni dating Sen. Trillanes, walang epekto sa impeachment vs VP; Kampo ng Bise Presidente, pwedeng kwestyunin ang Senate voting threshold ayon sa isang eksperto

Nakipagkita si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa mga pasaherong itinuturing na bayani sa Flydubai Flight matapos nilang mapigilan ang umano'y tangkang pag-hijack at posibleng trahedya sa eroplano.