
Suportado ng dalawang Kapulungan ng Kongreso ang panawagang alisin na ang system loss charge sa mga singil sa kuryente, na inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address.

Naghain ng counter-affidavit o sagot sa inihaing reklamo ng asawa ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Mans Carpio sa Quezon City Prosecutor's Office.
Kabilang sa mga naghain ng sagot ang ilang kongresista na idinagdag na mga respondent sa kaso at ang ilang kasapi ng House prosecution panel.

Nilinaw ng House prosecution ang partisipasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa impeachment trial vs. Vice President Sara Duterte.

Naisumite na sa Senado kahapon, July 30, ang tax at bank records na pinasubpoena ng impeachment court para sa nagpapatuloy na paglilitis kay Vice President Sara Duterte.
Ngunit ayon sa clerk of court, may ilang bangko na humiling ng karagdagang araw sa pagsusumite ng kinakailangang dokumento.

Check out our official social media accounts:
🌞 FACEBOOK: https://www.facebook.com/GoodMorningKuya
🌞 TWITTER: http://www.twitter.com/GoodMorningKuya/