
-Pagpipiyansa ni ex-Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., mukhang trinabaho sa Sandiganbayan ayon sa Ombudsman
-Bagyong Luis, nanatili ang lakas; Wind Signal No. 1, nakataas sa ilang lugar sa bansa
-₱9.5-bilyong kabuoang refund ng Meralco sa consumers, ipatutupad sa loob ng anim na buwan

Itinanggi ni US President Donald Trump na pumayag siyang bigyan ang Ukraine ng lisensya na magbibigay ng karapatan sa Kyiv na gumawa ng US-made Patriot missile systems.
Ito ay sa kabila ng mahigpit na pakiusap ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na kailangang-kailangan na ng Kyiv ang karagdagang air defense systems laban sa tumitinding pag-atake ng Russia.

Kinansela ni US President Donald Trump ang nakatakdang pag-atake ng Estados Unidos sa Iran matapos umanong hilingin ito ng Tehran at iba pang bansa sa Gitnang Silangan kapalit ng kasunduan sa pagitan ng dalawang panig.
Patuloy namang naninindigan ang Iran na wala itong hinihiling na anumang kasunduan sa Estados Unidos at iginiit na handa itong tumugon sa anumang pag-atake.

Nilinaw ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na ang kanyang naging pahayag tungkol sa posibilidad ng pagbibitiw ng ilang opisyal ng pamahalaan ay hindi batay sa personal na paniniwala, kundi sa obligasyong sumunod sa umiiral na batas ng bansa.

Tinuligsa ni Davao City First District Congressman Paolo “Pulong” Duterte ang naging pahayag ni Defense Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro, kung saan sinabi umano nito na dapat mag-resign ang mga opisyal na pumapanig sa China dahil ang kanilang mandato ay nagmula sa taumbayan.