
Magde-deploy ng karagdagang tauhan ang Bureau of Immigration o BI sa lahat ng international airports sa bansa ngayong Undas, dahil sa inaasahang dagsa ng mga biyahero ngayong long weekend.

Mayroong libreng sakay mula sa mga e-tricycle sa Manila South Cemetery upang hindi mahirapang maglakad ang mga bibisita sa sementeryo.
Inaasahang 1 milyon ang maitatala na magsisipuntahan sa sementeryo ngayong araw.

Aabot sa 1,500 na mga tauhan ng Philippine National Police Highway Patrol Group o PNP-HPG ang ipinakalat para umalalay sa mga motorista sa Undas.
Samantala, pina-igting ng PNP-HPG ang pagbabantay laban sa mga colorum na sasakyan na maaaring manamantala sa dami ng mga pasahero at kakulangan ng mga bus na bibyahe.

Nakahanda ang Department of Social Welfare And Development o DSWD sa agarang pagbibigay ng mga food at non-food items sa mga maii-stranded na pasahero sa mga pantalan kaugnay ng Undas.

Sinuspinde ng Land Transportation Office o LTO ang regional director nito sa MIMAROPA dahil umano sa korapsyon.
Sa reklamong nakarating kay LTO Chief Asec. Markus Lacanilao, hinihingan umano ng RD ng P50,000 ang ilang proponent kapalit sa pagpoproseso ng kanilang aplikasyon.