
-Senator Juan Miguel Zubiri, itinanggi ang alegasyon ni ex-DPWH Sec. Bonoan na nagkaroon siya ng kontrol sa pondo ng proyekto ng mga senador
-NBI, aalamin ang kaugnayan ng legal counsel ni Cong. Leviste sa law firm na gagawa sana ng pekeng affidavit vs. ES Ralph Recto
-COA Auditor, hindi masabi kung fictitious ang mga kakaibang pangalan sa acknowledgment receipts ng confidential funds ni VP Sara Duterte

Muling iginiit ni US President Donald Trump na kontrolado ng Estados Unidos ang Strait of Hormuz at patuloy ang kanilang blockade sa Iran.

Nagbanta si Russian President Vladimir Putin laban sa mga bansang kasapi ng European Union na kukumpiska sa mga barko ng Moscow.
Sinabi ni Putin na handa ang Russia na kumilos kahit sa labas ng mga karagatan kung saan hinaharang umano ang kanilang mga barko.

Nais alamin ng National Bureau of Investigation ang kaugnayan ng nagpakilalang legal counsel ni Batangas First District Representative Leandro Leviste sa law firm na ipinapatawag ng NBI kaugnay umano ng alegasyon na sangkot ang mga ito sa paggawa ng pekeng affidavit laban kay Executive Secretary Ralph Recto.

Ibinunyag ni dating Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan na hawak umano ni Senator Juan Miguel “Migz” Zubiri ang listahan ng mga proyekto ng mga senador.
Bagay na agad itinanggi ng mambabatas.