.png)
Bumisita ang Members Church of God International (MCGI) volunteers kasama ang UNTV News and Rescue sa dalawang evacuation center sa Taytay, Rizal upang maghatid ng pagkain at tulong sa mga residenteng naapektuhan ng masamang panahon.
.png)
Nanawagan si United States Defense Secretary Pete Hegseth sa iba pang mga bansa na kumalas sa International Criminal Court (ICC).
Kasunod ito ng ulat na plano umanong arestuhin ng ICC ang U.S. military personnel na sangkot sa digmaan, sa halip na tutukan ang mga grupong itinuturing nitong tunay na banta sa seguridad.
.png)
Sisimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang major rehabilitation ng Maysan Road sa Valenzuela City ngayong Agosto.
Magpapatupad naman ng truck ban ang lokal na pamahalaan simula August 15 upang bigyang-daan ang pagsasaayos ng naturang kalsada at mabawasan ang epekto nito sa daloy ng trapiko.
.png)
Patuloy na kumakalat ang oil spill sa Strait of Hormuz, partikular sa baybayin ng Iran sa Persian Gulf.
Giit ng Iran, may legal at moral na pananagutan ang mga bansang dumaraan sa nasabing ruta sa pinsalang dulot ng oil spill sa likas na yaman at karagatan ng rehiyon.
.png)
Dumistansya ang Malakanyang sa isyu ng leadership fund na ibinulgar ni dating Department of Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan.
Ayon sa Palasyo, hindi alam ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang naturang pondo noong panahon ni Bonoan.
Iginiit din nitong hindi kukunsintihin ng Pangulo ang sinumang miyembro ng Gabinete na masasangkot sa anumang iregularidad sa paggamit ng pambansang pondo.