Back

UNTV News and Rescue

1:49
Politics

Japan, kinondena ang pagbisita ni Russian Pres. Putin sa disputed Kuril Island

August 14, 2026 8:39 AM
PST

Hindi katanggap-tanggap para kay Japanese Prime Minister Sanae Takaichi ang kauna-unahang pagbisita ni Russian President Vladimir Putin sa disputed Kuril Islands.

Binisita ni Putin ang Iturup o Etorofu, isa sa apat na islang parehong inaangkin ng Russia at Japan.

3:09
Politics

Iran, iginiit na hawak nila ang kontrol sa Strait of Hormuz

August 14, 2026 8:38 AM
PST

Mariing pinabulaanan ng Iran ang pahayag ni US President Donald Trump na hawak ng Estados Unidos ang total control sa Strait of Hormuz.

Ayon sa Iranian military, nananatiling nasa kanilang pamamahala at kontrol ang mahalagang waterway, at walang barko o tanker ang maaaring ligtas na dumaan dito nang walang pahintulot at pagbabantay ng kanilang sandatahang lakas.

4:21
Politics

Pagkakaaresto ng 100 Pilipino sa China, bineberipika ng DFA

August 14, 2026 8:38 AM
PST

Nakikipag-ugnayan ang DFA sa Philippine Embassy sa Beijing para beripikahin ang ulat sa pagkakaaresto sa mahigit 100 Pilipino sa China dahil umano sa paglabag sa immigration laws.

Samantala, inihayag ng PAOCC ang umano’y pagbabanta ng Chinese Embassy kaugnay ng pagkakaaresto sa 69 Chinese nationals sa isang ni-raid na pagawaan ng bakal sa Misamis Oriental.

3:32
Politics

Pagkakatalaga kay Gen. Nafarrete at 37 iba pang opisyal ng militar, kinumpirma ng CA

August 14, 2026 8:38 AM
PST

Kinumpirma ng Commission on Appointments ang pagkakatalaga kay General Antonio Nafarrete bilang Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines.

Kasama rin sa nakumpirmang appointment ang 37 pang senior military officials.

3:26
Politics

Grave threats case laban kay VP Sara, hindi sapat — Malacañang

August 14, 2026 8:38 AM
PST

Naniniwala si Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na hindi sapat ang grave threats case na isinampa ng Department of Justice (DOJ) laban kay Vice President Sara Duterte.