Back

UNTV News and Rescue

4:00
Weather & Environment

Apalit residents, nangangamba sa patuloy na pagtaas ng baha sa Brgy. Sampaloc

August 28, 2026 8:00 PM
PST

Humingi ng tulong sa UNTV News and Rescue ang 42 residente ng Brgy. Sampaloc sa Apalit, Pampanga upang mailikas dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig-baha sa kanilang lugar.

‍

3:11
Politics

Hegseth, itinangging napapabayaan ang mga sundalo sa USS Abraham Lincoln

August 14, 2026 10:15 PM
PST

Itinanggi ng Estados Unidos na mababa ang morale ng mga sundalong nakatalaga sa USS Abraham Lincoln na naka-istasyon sa Strait of Hormuz.

Sa gitna ng isyu, sinabi ni US Defense Secretary Pete Hegseth na gagawin nilang rotational ang pagbabantay sa strait ngunit hindi aalisin ang blockade.

Samantala, sinabi ng Iran na nagkamali umano ang Amerika sa pagtaya sa itatatagal ng digmaan dahil sa maling intelligence reports.

‍

2:32
Politics

Putin, nagbabala ng pagganti sa Europe dahil sa umano’y “pamimirata” sa mga barko ng Russia

August 14, 2026 10:11 PM
PST

Nagbabala si Russian President Vladimir Putin na maaaring gumanti ang Russia laban sa mga barkong pagmamay-ari ng mga bansang Europeo kung hindi titigil ang umano’y “pamimirata at pagnanakaw” sa mga barko ng Russia.

Ang pahayag ay ginawa ni Putin kasunod ng pagbatikos ng European Union sa umano’y “shadow fleet” ng Russia.

‍

3:26
Politics

PBBM, iginiit na walang espesyal na kasunduan sa China sa Ayungin Shoal

August 14, 2026 10:02 PM
PST

Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang pinasok na espesyal na kasunduan ang Pilipinas sa China kaugnay ng Ayungin Shoal, partikular sa ginagawang resupply mission sa BRP Sierra Madre.

Samantala, nagpahayag ng pag-asa ang Pangulo na magkakaroon ng positibong resulta ang negosasyon sa China hinggil sa joint oil and gas exploration.

‍

7:26
Weather & Environment

Mala‑ONDOY?: Bakit mas maulan kapag may El Niño | Alamin mula sa PAGASA

August 14, 2026 4:16 PM
PST

Bago maranasan ang tagtuyot, posible munang dumaan ang bansa sa malalakas na pag‑ulan na maaaring magdulot ng pagbaha. Ayon sa eksperto ng PAGASA, posibleng maulit ang senaryo ng bagyong Ondoy noong 2009 kung saan nagkaroon ng malawakang pagbaha sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.

Isa sa mga sektor na posibleng maapektuhan ng Super El Niño ay ang agrikultura at pangisdaan. Pero posibleng maibsan ang epekto nito kung may tamang impormasyon at gabay mula sa mga eksperto. Alamin ang mga hakbang na dapat gawin ng mga magsasaka at mangingisda upang makaiwas sa pinsala at maging handa sa panahon ng El Niño.

‍