
Itinapon na sa isang bakanteng lote sa Tublay, Benguet ang tone-toneladang carrots at repolyo dahil umano sa oversupply at kawalan ng buyer.
Sa La Trinidad Vegetable Trading Post, bumagsak na sa limang piso ang bentahan, habang may mga anihin pa na maaaring hindi na rin maibenta dahil sa sobrang dami ng suplay.

Niyanig ng magnitude 7.7 na lindol ang Flores Island sa Indonesia noong Sabado ng umaga, kung saan hindi bababa sa limampu't tatlo na ang naitalang nasawi habang patuloy ang search and rescue operations sa mga gumuhong gusali.
Nasa limang libong residente naman ang napilitang lumikas habang daan-daang bahay at mga pampublikong gusali ang napinsala ng malakas na lindol.

Dapat tanggapin na lamang ng Estados Unidos ang pagkatalo nito sa digmaan, ayon sa Iran, kasabay ng pagtutol nito sa pahayag ni US President Donald Trump na gagawing bahagi ng teritoryo ng Amerika ang Strait of Hormuz.
Samantala, ramdam na rin ng Amerika ang epekto ng digmaan, sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa tensyon sa Gitnang Silangan.

Sa unang pagkakataon, ginamit ng Ukraine ang mga British-made drone sa pag-atake sa mga target sa loob mismo ng Russia.
Kabilang sa mga tinamaan ang mga military at industrial facility, oil refinery, at warehouse ng online retailer na Wildberries.

Nais makausap ni South Korean President Lee Jae Myung ang liderato ng North Korea.
Layunin nitong pormal nang wakasan ang Korean War at palitan ng peace regime ang mahigit pitong dekadang armistice sa Korean Peninsula.