
- VP Sara Duterte at Sen. Erwin Tulfo, nangunguna sa 2028 election survey ayon sa Pulse Asia
- VP Duterte, may hanggang June 1, 7pm para sumagot sa ipinadalang summons ng impeachment court; Panukalang baguhin ang Senate rules, walang kinalaman sa impeachment ng Bise Presidente ayon kay SP Cayetano
- Sen. Ping Lacson, tinawag na trabahong tamad ang pagpapa-subpoena ng NBI kay Mrs. dela Rosa

Mariing itinanggi ng Japan ang paratang ng China na nagbabalik ito sa “new militarism” habang patuloy nitong pinalalakas ang defense capability nito.
Binatikos naman ng Tokyo ang mabilis na pagpapalawak ng militar ng China na anila’y kulang sa transparency at nagdudulot ng pangamba sa rehiyon.

Tumanggi ang Iran na bumuo ng kasunduan sa Estados Unidos hangga’t hindi nito nakakamit ang mga garantiyang magpoprotekta sa karapatan at interes ng mga Iranian.
Nagpahayag naman ng kahandaan ang US na muling gumamit ng puwersang militar sakaling tuluyang tumalikod ang Tehran sa negosasyon at mabigo ang peace talks.

Patuloy na nangunguna ang pangalan ni Vice President Sara Duterte sa napipisil na maging susunod na pangulo ng bansa batay sa pinakabagong survey ng Pulse Asia.
Habang napipisil naman ng publiko sa pagka-bise presidente si Senator Erwin Tulfo.

Tinawag na “trabahong tamad” ni Senator Panfilo “Ping” Lacson ang umano’y gagawin ng National Bureau of Investigation na pagpapa-subpoena kay Nancy dela Rosa, ang asawa ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa.
Samantala, makikipag-usap naman si NBI Director Melvin Matibag kay Senator Lacson para linawin ang naturang hakbang.