Back

UNTV News and Rescue

1:23:44
Crime & Investigation
Health & Lifestyle
Lifestyle
Politics

UNTV: Ito Ang Balita | June 01, 2026

June 22, 2026 7:55 PM
PST

- Sen. Jinggoy Estrada, sumuko matapos lumabas ang arrest warrant sa kasong plunder; senador, hindi hihingi ng proteksyon sa Senado

- CIDG, may lead na sa posibleng kinaroroonan ni Sen. Ronald dela Rosa; mga impormasyon, sumasailalim sa beripikasyon

- Tugon ni Vice President Sara Duterte sa articles of impeachment, inaasahang direktang sasagot sa mga alegasyon ayon sa lead public prosecutor

2:52
Health & Lifestyle

ALAMIN: Bansa na walang pamasahe sa bus at tren

June 1, 2026 9:09 PM
PST

Wala kang babayarang pamasahe sa bus o tren sa bansang ito.

Alamin kung saan at paano ito naging posible.

1:47
Health & Lifestyle

Rider, sugatan matapos mabangga ng tricyclel ang sinasakyang motorsiklo

June 1, 2026 9:06 PM
PST

Nagtamo ng mga sugat at gasgas sa katawan ang isang motorcycle rider matapos masangkot sa vehicular accident sa Quiapo, Maynila.

Agad namang rumesponde at nagbigay ng paunang lunas ang UNTV News and Rescue Team sa rider.

3:45
Politics

Historic Beaufort Castle sa South Lebanon, nabawi ng Israel mula sa Hezbollah

June 1, 2026 9:04 PM
PST

Matapos ang mahigit apat na dekada, muling napasakamay ng Israel ang makasaysayang Beaufort Castle sa South Lebanon na minsang nagsilbing mahalagang kuta sa rehiyon.

Samantala, iniimbestigahan pa ang mga ulat na white phosphorus ang ginamit sa mga pagsabog sa ilang komunidad sa Arnoun, Nabatieh Region.

Ang kemikal ay kontrobersyal dahil sa potensyal nitong magdulot ng matinding pinsala sa tao at kapaligiran.

9:10
Crime & Investigation

Sen. Jinggoy Estrada, sumuko matapos isyuhan ng warrant sa kasong plunder

June 1, 2026 9:02 PM
PST

Boluntaryong sumuko sa Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group si Sen. Jinggoy Estrada ilang oras matapos maglabas ng arrest warrant ang Sandiganbayan kaugnay ng kasong plunder laban sa kanya.

Ayon sa senador, hindi siya hihingi ng protective custody sa Senado at sa halip ay haharapin niya ang mga alegasyon sa tamang proseso ng batas.