
Pinag-iingat ng Philippine Drug Enforcement Agency ang publiko sa pagbili ng isang uri ng cactus.
Kasunod ito ng natatanggap nilang ulat na talamak ang bentahan ng Peyote online.

Inabsuwelto ng Sandiganbayan si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista sa kasong graft kaugnay ng umano’y iregular sa isang solar power project at waterproofing works sa isang gusali sa lungsod noong 2019.

Tuloy ang isasagawang deliberation ng Bicameral Conference Committee bukas sa 2026 national budget.
Tiniyak rin ni Sen. Sherwin Gatchalian na live itong mapapanood ng publiko.

Umaasa ang Department of Justice o DOJ na mapapauwi na ng bansa si resigned Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co kasunod ng paghingi ng tulong ng NBI sa Interpol.

Pinag-iisapan na ng Senate Blue Ribbon Committee na tapusin na ang imbestigasyon sa mga anomalya sa flood control projects.
Ayon kay Committee Chairperson Senator Panfilo Lacson, binubuo na rin ang partial committee report para rito.