
Nakakuha na ng 17 gintong medalya ang Pilipinas sa Southeast Asian Games 2025 sa Thailand.
Base sa ranking ng medal tally kaninang madaling araw, nasa ika-anim sa pwesto ang Pilipinas na mayroon nakuhang 32 na silver medals at 69 bronze medals.

Nakikipag-ugnayan ang Consulate General Office ng Pilipinas sa mga awtoridad sa Australia kung mayroong Pilipinong biktima ng mass shooting sa Bondi beach.

Pinalawig pa ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP ang notice to airmen o notam sa ibabaw ng Bulkang Mayon.
Kasunod ito ng low-level unrest ng bulkan.

Nagdagdag ng housing option ang Department of Human Settlements and Urban Development o DHSUD.
Bahagi ito ng expansion para sa mga informal settlers upang makakuha ng high-density housing o HDH sa ilalim ng Expanded Pambansang Pabahay Para sa Pilipino o 4PH program na nasa Department Order ng ahensya.

Nagtapos ng short courses sa University of the Philippines o UP Open University ang 57 Persons Deprived of Liberty o PDL.
Bahagi ito ng workforce development program ng Bureau of Corrections o BuCor para sa PDL.