
- Harassment ng China Coast Guard sa mga Pinoy na mangingisda sa WPS, umani ng batikos
- Bicameral meeting para sa 2026 budget, extended ngayong araw, Dec. 15
- Pagbabalik ng 54 billion pesos na tinapyas na budget sa Department of Public Works and Highways, hiniling ni Secretary Vince Dizon sa Bicam

Umarangkada na kahapon ang kauna-unahang Bataan Adventure Loop 2025, kung saan inikot ng mga lumahok na rider ang iba't-ibang tourist destination sa lalawigan ng Bataan.

Kinumpirma ng New South Wales Police na 15, kabilang ang isang 10-taong-gulang na batang babae, ang nasawi sa pamamaril sa Bondi Beach kahapon, December 14.
Naganap ang pag-atake sa isang Jewish celebration sa pagsisimula ng Hanukkah, dahilan para ituring ito ng pulisya bilang isang targeted attack.

Nananatili pa rin sa kustodiya ng National Bureau of Investigation o NBI ang public contractor na si Sarah Discaya.
Pero, ayon kay NBI Director Lito Magno, dadalhin nila ito sa Davao kapag may pormal nang arrest warrant laban sa kanya.

Pinuntahan ni Department of Public Works and Highways o DPWH Secretary Vince Dizon ang opisina ng ahensya sa Malolos, Bulacan.
Nakita ng kalihim ang lamesa na nasa larawang ibinahagi ni Bryce Hernandez sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.