
Pinaalalahanan ng Quezon City Government ang mga residente nito na ipinagbabawal ang paggamit ng paputok at fireworks display sa mga pribadong tahanan.
Ayon sa city government, tanging sa mga pampublikong lugar lamang maaaring magsagawa ng fireworks display.

Nakapagtala na ang isang pampublikong hospital sa Maynila ng 15 na biktima ng paputok bago pa sumapit ang mismong pagpapalit ng taon.

Sinira na ng National Capital Region Police Office ang ilan sa kanilang mga nakumpiskang mga ilegal na paputok at pyrotechnics.
Nais ng NCRPO na matiyak na hindi na ito makapipinsala pa at matupad ang layuning maging ligtas ang pagsalubong sa pagpapalit ng taon.

4 sa 10 Pilipino ang nagpakita ng positibong pananaw sa magiging kalagayan ng kanilang buhay pagsapit ng taong 2026.
Ayon sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations o SWS, 44% ng mga Pilipino ang naniniwalang bubuti ang kalidad ng kanilang buhay sa 2026.

Naghanda na ang pamunuan ng Rizal Park para sa inaasahang dagsa ng tao ngayong December 31.
Bukod sa existing deployment, humiling pa ang lungsod ng Maynila ng karagdagang pwersa upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan sa lugar.