
Mariing itinanggi ng pamunuan ng House of Representatives ang alegasyong may ibinigay na Christmas bonus sa mga mambabatas. Ayon kay House Public Accounts Panel Chairperson at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, walang anumang bonus na natanggap ang mga kongresista.

- Higit 900 metric tons ng basura, nahakot sa Maynila sa unang araw ng 2026
- Mabuting kalusugan, masayang pamilya at malinis na gobyerno, hiling ng ilang Pinoy
- 9 sa 11 na kaso ng indiscriminate firing sa pagpapalit ng taon, naaresto ng PNP

Very peaceful – ‘Yan ang overall assessment ng Philippine National Police sa selebrasyon sa pagpapalit ng taon.
Ayon kay PNP Acting Chief Jose Melencio Nartatez Jr., mas mababa ang bilang ng biktima ng stray bullets at indiscriminate firing.
Kinumpirma rin nito na naaresto ang karamihan sa mga indibidwal na walang habas na nagpaputok ng baril, kabilang ang ilang pulis.

Umabot na sa 122 ang naitalang fireworks-related injuries ng Manila Health Department hanggang 2 p.m. ngayong unang araw ng 2026.
Patuloy pa rin ang pagmo-monitor ng ilang ospital sa mga nasugatan. Ayon sa Department of Health, nananatiling mababa ang kabuuang kaso kumpara sa nakaraang taon.

Muling naging sentro ng kontrobersiya ang pondo ng Kongreso matapos igiit ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na dapat isapubliko ang mga benepisyong tinatanggap ng mga kongresista, kabilang ang umano’y tig-₱2 milyong “Christmas bonus".
Itinanggi naman ng ilang mambabatas ang sinasabing bonus at iginiit na walang katotohanan ang pahayag ni Leviste.