Back

UNTV News and Rescue

01:01:07
Crime & Investigation
Entertainment
Health & Lifestyle
Lifestyle
Politics

UNTV: C-NEWS | June 08, 2026

June 8, 2026 2:49 PM
PST

- Pagdinig ng Gatchalian bloc kaugnay ng flood control projects scandal, sinimulan ngayong araw

- Magnitude 7.8 na lindol, yumanig sa Sarangani at iba pang bahagi ng Mindanao; klase sa mga apektadong lugar, sinuspinde

- Kontraktor na si Curlee Discaya, wala na sa kustodiya ng Senado matapos arestuhin sa kasong malversation na isinampa ng Office of the Ombudsman

2:36
Weather & Environment

Magnitude 7.8 na lindol, yumanig sa Sarangani at iba pang bahagi ng Mindanao

June 8, 2026 11:44 PM
PST

Niyanig ng magnitude 7.8 na lindol ang Sarangani bandang alas-7:37 ng umaga, na naramdaman din sa iba't ibang bahagi ng Mindanao.

Bunsod nito, ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa mga apektadong lugar bilang pag-iingat sa kaligtasan ng mga mag-aaral at kawani.

3:56
Politics

Kontraktor na si Curlee Discaya, wala na sa kustodiya ng Senado

June 8, 2026 2:50 PM
PST

Wala na sa kustodiya ng Senado ang kontraktor na si Curlee Discaya matapos itong i-turn over sa mga awtoridad dahil sa warrant of arrest na inilabas ng isang korte sa Bulacan.

Naninindigan naman ang kanyang abogado na wala itong kasalanan at igigiit nila ang kanilang panig sa hukuman.

6:18
Politics

Consultative meeting kaugnay ng flood control projects scandal, sinimulan ng Gatchalian bloc

June 8, 2026 2:50 PM
PST

Natuloy ngayong araw ang consultation at organizational meeting ng Senate Blue Ribbon Committee ng Gatchalian bloc kaugnay ng isyu sa mga flood control project.

Ito ay sa kabila ng nagpapatuloy na usapin kung sino ang may hawak ng pamumuno sa Senado.

1:02
Politics

Sen. Erwin Tulfo, humingi ng paumanhin sa naging pahayag laban kay Sen. Alan Peter Cayetano

June 8, 2026 2:50 PM
PST

Humingi ng paumanhin si Senator Erwin Tulfo kaugnay ng kanyang naging pahayag laban kay Senator Alan Peter Cayetano at iba pang indibidwal.

Ito ay matapos niyang sabihin na ipaaaresto at kakaladkarin niya ang mga ito sakaling magsagawa muli ng umano’y hindi awtorisadong pagdinig ng Blue Ribbon Committee.