
Umalma ang ilang opisyal ng Estados Unidos sa naging hakbang ni US President Donald Trump sa Venezuela. Tinawag ni New York City Mayor Zohran Mamdani, na ‘act of war’ at paglabag sa federal law ang ginawang pag-atake sa Venezuela.

May mga nais na ipatupad na pagbabago sa Metro Manila Development Authority ang bagong upong general manager nito na si dating PNP Chief Nicolas Torre III.

Balik na sa normal ang operasyon ng eksklusibong inner busway lane sa EDSA mula Roxas Boulevard hanggang Orense matapos makumpleto ang asphalt overlay bilang bahagi ng EDSA Rehabilitation Project.

Pinalawak pa ng Land Transportation Office ang pagbabawal sa mga light electric vehicle o e-bikes at e-trikes sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Panibagong dagdag-bawas sa presyo ng langis ang unang sasalubong sa mga motorista ngayong taong 2026.
Batay sa forecast ng International market, maaaring magkaroon ng pagtaas sa presyo ng langis sa mga susunod na linggo, sa gitna ng umiinit na tensyon sa pagitan ng Amerika at Venezuela.