
- 2026 National Budget, tiniyak na pork barrel-free
- Sarah Discaya at 8 pang akusado sa flood control scandal, naghain ng mosyon sa korte
- Sen. Joel Villanueva at Ex-Sen. Revilla, naghain ng counter-affidavit sa DOJ

Nilinaw ng Department of Budget and Management na walang maaapektuhan sa realignment sa 2026 national budget.

Naniniwala si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio na maaapektuhan ang daang libong government personnel sa pag-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng mahigit 43 billion pesos na halaga ng pondo.

Tiniyak ni Executive Secretary Ralph Recto na walang anumang uri ng pork barrel sa pambansang pondo ngayong taon. Taliwas aniya ito sa pahayag ng ilang mambabatas.

Ibinaba ng Pilipinas sa lima hanggang anim na porsiyento ang target na paglago ng ekonomiya para sa taong 2026.
Ayon kay Economy, Planning, and Development Secretary Arsenio Balisacan, dahil ito sa mga hamon sa loob at labas ng bansa.