
Nagluluksa ang mga pamilya ng 14 na sanggol na nasawi sa sunog sa isang ospital sa Islamabad, Pakistan, noong Miyerkules, August 26.
Sumiklab ang apoy sa third floor ng Pakistan Institute of Medical Sciences, kung saan 15 sanggol ang naroroon at isa lamang ang nailigtas.

Pinirmahan ni U.S. President Donald Trump ang executive order na nagpapalit sa pangalan ng Lake Ontario bilang “Lake America” sa Estados Unidos.

Hinikayat ng ilang Canadian officials ang publiko na iwasang bumili ng mga produkto mula sa Estados Unidos at sa halip ay tangkilikin ang mga produktong gawa sa Canada.
Ito ay kasunod ng paglala ng tensyon sa pagitan ng dalawang bansa bunsod ng tumitinding trade war.

Natunaw at bumagsak ang malaking tipak ng glacier mula sa mataas na bahagi ng Himalayas, na nagdulot ng seismic activity at debris flow.
Ito ang nakikitang dahilan ng U.S. Geological Survey sa nakamamatay na pagragasa ng magkakahalong tubig, yelo, bato, at putik na lumamon sa mga komunidad sa Nepal at Tibet.

Posibleng magbitiw sa tungkulin bilang public prosecutors ang ilang miyembro ng House prosecution panel.
Kasunod ito ng inilabas na desisyon ng presiding officer ng Senate Impeachment Court kaugnay ng sub judice rule.