Back

UNTV News and Rescue

1:05
Lifestyle

DOTr, magpapatupad ng accessible travel guidelines sa railway operations sa bansa

January 14, 2026 4:42 PM
PST

Magpapatupad ang Department of Transportation ng accessible travel policy sa lahat ng railway operations sa bansa upang matiyak ang inklusibong biyahe para sa lahat ng commuter.

Layunin ng hakbang ng ahensya na isulong ang mas ligtas at mas madaling paglalakbay, lalo na para sa persons with disabilities, senior citizens, at mga buntis.

1:27
Crime & Investigation
Politics

Usec. Claire Castro, dumulog sa NBI ukol sa death threats

January 14, 2026 4:39 PM
PST

Dumulog kahapon sa tanggapan ng National Bureau of Investigation si Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro upang i-report ang umano’y natatanggap na death threats sa kanyang Facebook post.

1:48
Crime & Investigation

PNP, handang magbigay ng technical expertise sa forensic audit ng tinaguriang ‘Cabral Files’

January 14, 2026 4:37 PM
PST

Nagpahayag ng kahandaan ang Philippine National Police na magbigay ng technical support sa posibleng forensic audit sa tinaguriang “Cabral Files.”

Ang Cabral Files ay mga dokumento at record na iniwan ng yumaong DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral, na naging pangunahing isyu sa kasalukuyang imbestigasyon kaugnay ng mga anomalya sa flood control projects ng pamahalaan.

2:09
Crime & Investigation

Operasyon ng ICI, nagpapatuloy; referral sa Ombudsman, pansamantalang nakabinbin

January 14, 2026 4:34 PM
PST

Tuloy pa rin ang operasyon ng Independent Commission for Infrastructure matapos ang magkakasunod na pagbibitiw ng 2 commissioner bago matapos ang 2025.

2:48
Crime & Investigation

Kampo ng mga akusado, kinwestyon ang inspeksyon sa flood control project sa Naujan, Oriental Mindoro

January 14, 2026 4:32 PM
PST

Ipinagpapatuloy ngayong araw, January 14, ang cross examination sa isa sa mga testigong iniharap ng prosekusyon kaugnay ng isinasagawang bail hearing sa 9 na akusadong DPWH Region 4B officials na sangkot umano sa maanomalyang flood control project.