
Nanawagan ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa mga nakatira sa paligid ng bulkang Mayon na mag-monitor ng lagay ng panahon.
Malaki anila ang posibilidad na magkaroon ng lahar flow mula sa bulkan dahil sa dami ng ulang ibabagsak ng paparating na bagyo.

Nakataas na ang Tropical cyclone Wind signal number 1 sa anim na probinsya sa Visayas at Mindanao.
Ayon sa PAGASA, posibleng itaas pa ito sa signal number 2 sa mga susunod na 24 oras habang papalapit ang bagyong Ada.

Hindi pa makapag-refer ng kaso ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Office of the Ombudsman kaugnay ng imbestigasyon sa umano’y anomalya sa flood control projects. Ayon kay ICI Special Adviser Rodolfo Azurin Jr., kulang na sa mga commissioner ang independent body.

Isiniwalat ni Sen. Ping Lacson na niloko umano ni dating Department of Public Works and Highways o DPWH Secretary Manuel Bonoan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagsusumite ng datos tungkol sa flood control projects.

Handa na ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines sa pagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa hosting ng Pilipinas sa ASEAN Summit.