
Matagumpay na inilunsad ng NASA mula Florida ang Nancy Grace Roman Space Telescope.
Layunin nitong pag-aralan ang dark matter, black holes, at iba pang detalye sa universe na hindi direktang nakikita sa kalawakan.

Muling tumataas ang bilang ng COVID-19 infections sa South Korea.
Kasabay nito, tumaas din ang bentahan ng face masks, self-test kits, at mga gamot sa mga pangunahing convenience store.

Idinetalye ni Venezuelan Interim President Delcy Rodríguez ang mga nakapaloob sa panibagong oil deal sa pagitan ng Venezuela at Estados Unidos.
Una na itong tinawag ni U.S. President Donald Trump na isang historic deal dahil magbibigay ito sa U.S. ng majority control sa mahigit 65 billion barrels ng proven oil reserves ng Venezuela.

Dumipensa ang Malacañang sa kumalat na video ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung saan makikita ang Pangulo na nasa birthday party ni First Lady Liza Araneta-Marcos.
Ayon sa Malacañang, ang paglalaan ni PBBM ng kaunting oras para sa kaniyang pamilya ay hindi nangangahulugang tumitigil na ito sa kaniyang tungkulin bilang Pangulo ng bansa.

Matapos na masira ang dalawang pangunahing tulay na tumatawid sa Tarlac River, nilimitahan muna ang pagdaan ng mga malalaking truck sa Tagumbao Bridge sa bayan ng Gerona.
Sa ngayon, ipinagbabawal na muna ang sabay-sabay na pagdaan ng mga sasakyan sa tulay, lalo na ang mga mabibigat na truck, upang maiwasan na masira rin ito.