
Ipinag-utos ng Department of Public Works and Highways o DPWH ang agarang pagsasaayos ng Mauca Bridge sa Camarines Sur.
Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, delikado ang tulay sa mga motorista at residenteng dumadaan.

Epektibo na simula bukas, January 20, ang dagdag singil sa toll fee sa North Luzon Expressway o NLEX.
Ayon sa NLEX Corporation, P6 ang madadagdag sa open system ng toll habang 26 centavos per kilometer naman sa closed system.

Umabot sa mahigit P8.4 milyon ang halaga ng humanitarian assistance na naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development o DSWD sa mga naapektuhan ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon sa Albay.

Naipa-deport na pabalik sa kanyang bansa ang Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy nitong weekend.
Isinakay siya sa isang direct flight pabalik ng Russia, ayon sa mga awtoridad.

Inihain na ngayon umaga sa House of Representatives ang kauna-unahang impeachment complaint laban kay Pang. Ferdinand Marcos Jr.
Bunsod umano ito ng pagsira sa tiwala ng publiko dahil sa Unprogrammed Appropriations at unconstitutional provisions sa mga pambansang pondo at iba pa.