Back

UNTV News and Rescue

3:24
Weather & Environment

ALAMIN: Gyirong-Rasuwa border, mahalagang ruta sa Asya at dinarayo ng mga turista

August 31, 2026 8:06 PM
PST

Hindi simpleng land border ang Gyirong-Rasuwa Port sa pagitan ng Tibet at Nepal, kundi mahalagang transit point para sa dalawang bansa at iba pang bahagi ng Asya.

Pero matapos ang mudslide, hindi muna magagamit ang nasabing lugar.

Samantala, nagpapatuloy ang paghahanap ng mga rescue worker sa mga posibleng survivor dahil sa panibagong banta ng flash flood.

‍

4:10
Politics

Russia, naghahanda sa pag-atake sa mga energy plant sa Ukraine – Defense Ministry

August 31, 2026 8:05 PM
PST

Pinaplano na ang high-level meeting sa pagitan ng Russia at Ukraine sa pamamagitan ng pamahalaan ng Estados Unidos, ayon kay Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy.

Ito ay sa gitna ng kawalang katiyakan kung papayag si Russian President Vladimir Putin sa usapang pangkapayapaan.

Kasunod ito ng ilang araw na pagpapakawala ng missiles ng Russia sa maraming lugar sa Ukraine, partikular sa Kyiv region.

‍

4:05
Politics

2 Iran mine launchers sa Larak Island, inatake ng US; Iran, gumanti sa Jordan

August 31, 2026 8:04 PM
PST

Gumanti ng pag-atake ang Iran sa mga base militar ng Amerika sa Jordan.

Kasunod ito ng pag-atake ng US sa dalawang mine launchers ng Iran na nasa Larak Island.

May babala naman ang dating counterterrorism director ng US sa posibleng muling pagtaas ng tensyon sa pagitan ng dalawang panig.

‍

1:18
Politics

Mga sangkot sa pagnanakaw sa mga pumping station, papanagutin – Malacañang

August 31, 2026 8:03 PM
PST

Nagbanta ang Malacañang na pananagutin ang mga sangkot sa pagnanakaw ng mga piyesa sa ilang pumping station.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, dahil sa ninakaw na mga piyesa, hindi gumana ang ilang pumping station at muling gagastos ang pamahalaan para sa pagkukumpuni at pagpapagana ng mga ito.

‍

10:14
Lifestyle

NLEX, nagpatupad ng rerouting ng mga sasakyan dahil sa baha sa San Simon

August 31, 2026 8:03 PM
PST

Hindi pa rin bumababa ang tubig-baha sa bahagi ng San Simon Interchange, Pampanga sa North Luzon Expressway.

Dahil dito, nahihirapan nang makadaan sa lugar ang mga maliliit na sasakyan.

‍