
Tiniyak ni U.S. House Speaker Mike Johnson na mananatiling matibay ang “special relationship” ng United States at Britain sa kabila ng tumitinding tensyon kaugnay ng Greenland at mga banta ng taripa.

Muling iginiit ni US President Donald Trump ang karapatan na angkinin ng Estados Unidos ang Greenland. Bunsod umano ito ng hindi pagbibigay ng Norway ng Nobel Peace Prize sa Pangulo.

Gagawin lahat ng pamahalaan mahuli lang si Charlie ‘Atong’ Ang. Ito ang tiniyak ni Interior and Local Government Sec. Jonvic Remulla sa gitna ng paghahanap sa itinuturong mastermind sa pagkawala ng ilang sabungero noong 2021.

Magsusumite ng formal request ang Department of Justice (DOJ) sa Senado para makuha ang kustodiya kay dating Department of Public Works and Highways District Engineer Henry Alcantara.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong Lunes, Enero 19, sinabi ni Curlee Discaya na pakiramdam niya ay ninanakawan sila nang tanungin umano ng Department of Justice (DOJ) kung magkano ang kaya niyang isauling pera bilang bahagi ng proseso ng pag-aapply sa Witness Protection Program (WPP).