
Nagbabala ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) kaugnay ng hindi magandang air quality sa ilang bahagi ng Metro Manila.
Ayon sa ahensya, posibleng may kaugnayan ito sa usok at haze mula sa forest fires sa Kalimantan, Indonesia, na tinangay ng hangin patungong Pilipinas.

Ilabas ang ebidensya.
Ito ang hamon ni Sen. Alan Peter Cayetano kay Sen. Panfilo Lacson kaugnay ng umano’y anomalya sa mga proyekto sa Taguig City.
Ayon kay Sen. Lacson, aabot sa P3.7-B ang nasayang na pondo ng bayan dahil sa umano’y illegal reclamation sa nasabing lugar.

- PBBM, pinulong ang gabinete ukol sa pagtugon sa problema sa baha sa Luzon at NCR
- Paglalahad ng ebidensya sa 4 Articles of Impeachment vs. VP Duterte, target tapusin sa October 2026
- ₱3.7-B pondo, nasayang sa ‘illegal’ Taguig reclamation projects ayon kay Sen. Panfilo Lacson

Sa layuning makapagbigay-serbisyo at matugunan ang mga pangangailangan ng mga kapatid na may kapansanan, muling idinaos ng Members Church of God International (MCGI) ang PWD Day.
Iba't ibang serbisyo at programa ang inihanda bilang pagkilala sa kahalagahan at kakayahan ng mga indibidwal na may kapansanan.

Dumating na sa Kyrgyzstan ang mga lider ng ilang makapangyarihang bansa para dumalo sa dalawang araw na Shanghai Cooperation Organisation (SCO) Summit sa Bishkek.
Kabilang sa mga dumalo sina Russian President Vladimir Putin, Chinese President Xi Jinping, Indian Prime Minister Narendra Modi at Iranian President Masoud Pezeshkian.