
- Pag-usad ng impeachment vs PBBM, dedepende sa mga Kongresista
- Dating Sen. Bong Revilla, humiling na mailipat sa PNP Custodial Center
- Oral arguments para sa mga kaso vs. GAA, itinakda ng Korte Suprema sa Abril

Mariing sinagot ni Canadian Prime Minister Mark Carney ang pahayag ni US President Donald Trump na nabubuhay ang Canada dahil sa Estados Unidos.

Muling nabalot ng andap o frost ang mga pananim sa Atok, Banguet matapos ang pagbagsak ng temperatura.
Samantala, ‘winter feels’ naman sa Baguio City dahil sa 10.6°C na temperatura na sinabayan pa ng pamumulaklak ng mga Sakura.

Ipinatawag ng China ang Philippine ambassador sa Beijing matapos akusahan ng Beijing si Philippine Coast Guard Spokesperson Commodore Jay Tarriela ng umano’y “smear campaign” laban sa China kaugnay ng isyu sa West Philippine Sea.

Inatasan na ng Acting Chief ng Philippine National Police ang lahat ng territorial police units hanggang sa mga syudad at munisipalidad na ipagpatuloy at panatilihin ang mga tagumpay sa pagpapababa ng mga insidente ng kriminalidad sa kani-kanilang nasasakupan.