
Bunsod ng pagmamalasakitan sa kapwa at layuning maiwasan ang malalang sakit, isinagawa ng Filipino Community o FilCom sa Ghana ang isang medical drive. Ito ang nagsilbing pagpaalala na ang maagap na pagpapacheck-up ay mahalaga sa pangangalaga ng kalusugan.

Nakahanda na at maaari nang pirmahan ang US Security Guarantees para sa Ukraine ayon kay Ukraine President Volodymyr Zelenskyy. Ito’y hudyat ng pag-usad sa pakikipag-usap ng Ukraine sa Russia nitong nakaraang linggo sa Dubai.

Nasa labintatlo ang nasawi habang halos isang milyon naman ang nawalan ng kuryente sa kasagsagan ng winter storm sa Estados Unidos.

Mahigpit na nagbabala ang pamahalaan ng Iran sa Estados Unidos gamit ang isang mural na may mensahe ng matinding paghihiganti.

Magpapatupad ang LRT-2 at MRT-3 ng libreng sakay mula sa January 26 hanggang January 31, 2026. Kasabay ito ng kauna-unahang Women's Tennis Association Tournament na isasagawa sa Pilipinas.