
Muling binomba ng US forces ang Iranian Revolutionary Guard Corps o IRGC sa paligid ng Strait of Hormuz nitong Martes, September 1.
Ayon sa US Central Command, tugon ito sa mga umano’y tangkang pag-atake ng Iran sa commercial ships at American troops sa rehiyon.

Nagpahayag ng paghanga at suporta si Russian President Vladimir Putin sa tapang at paninindigan ng Iran sa gitna ng digmaan nito laban sa Estados Unidos.
Muli namang iginiit ng Tehran na handa silang gumanti sa anumang hakbang ng kalaban, kabilang ang nakaambang panibagong economic sanctions laban sa kanila.

Siyam na national park sa Indonesia ang pansamantalang kinailangang isara kasunod ng lumalaking forest fire sa bansa.
Patuloy naman ang firefighting operations ng mga awtoridad habang umaabot na sa mga kalapit na bansa, kabilang ang Pilipinas, ang usok mula sa mga sunog.

Balak tapusin ng House Prosecution Team ang presentasyon ng ebidensya sa umano’y maling paggamit ng confidential funds ni Vice President Sara Duterte hanggang sa susunod na linggo.
Mananatili namang labing-isa ang bilang ng House Prosecution Team sa gitna ng pinaigting na pagpapatupad ng impeachment court ng sub judice rule.

Mabilis na natapos ang presentation ng House Prosecution Team sa dalawang testigong military officers sa ika-20 araw ng impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.
Parehong ipinahayag ng mga ito na hindi nila alam na gagamitin ang certification na ibinigay nila sa Department of Education para i-liquidate ang nasa ₱15.54 milyon na halaga ng confidential funds ng kagawaran nang ang Bise Presidente pa ang kalihim nito.