
Mariing itinanggi ng St. Luke's Medical Center na may inilabas silang medical record ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa pahayag ng ospital, sinabi nito na fake and falsified ang nasabing medical document na kumalat din sa social media.

- NAPOLCOM Commissioner Rafael Calinisan, dalawang beses umanong tinangkang suhulan kaugnay ng kaso ng missing sabungeros
- Pagkalat ng pekeng medical test results ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dapat imbestigahan ng National Bureau of Investigation ayon sa Malacañang
- Apela ng Kamara sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, hindi pinagbigyan ng Supreme Court; naunang desisyon na nagdedeklarang unconstitutional ang articles of impeachment, pinagtibay

Sugatan ang isang motorcycle rider sa aksidente sa Caloocan City.
Bagaman hindi malubha ang tinamo, sinamahan siya ng UNTV News and Rescue team sa ospital matapos lapatan ng first aid.

Walang nakaligtas sa 15 sakay ng isang maliit na passenger airline na bumagsak sa liblib na bahagi ng Northern Colombia, ayon sa ulat ng Transportation Ministry ng bansa.

Isasailalim sa profiling ang lahat ng pasaherong papasok sa Iloilo International Airport.
Samantala, nahaharap sa patong-patong na kaso ang pasaherong tumangging isuko ang kutsilyo at nanlaban sa mga pulis.