
Idineklara ng House Committee on Justice na 'sufficient in form' ang dalawang reklamong impeachment laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ibig sabihin, beripikado at maayos na naendorso ang mga reklamo alinsunod sa itinakdang proseso.

Nanindigan ang Malacañang na walang sapat na batayan para sampahan ng impeachment complaint si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Gayunman, iginiit ng Palasyo na iginagalang nito ang naging desisyon ng House panel na ideklarang sufficient in form ang mga reklamong inihain sa Kamara laban kay PBBM.

- PBBM at VP Sara, parehong nahaharap sa dalawang impeachment complaints
- Paglilinaw sa 1-year bar rule ng Supreme Court sa impeachment case vs VP Sara, ipinanawagan ng isang mambabatas
-Preliminary probe sa reklamong plunder vs. Sen. Jinggoy Estrada atbp., sisimulan na ng DOJ

Bahagyang ipinagpaliban ang ikalawang round ng trilateral peace talks sa pagitan ng Ukraine, Russia at United States na nakatakdang talakayin ang planong wakasan ang halos apat na taong digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Posibleng abutin pa ng ilang araw bago maisalang sa botohan ng United States House of Representatives ang anukalang pagpopondo sa gobyerno, kaya inaasahang tatagal pa ang partial federal shutdown.