
Susubukan muli ng Bureau of Customs na ibenta ang mga kinumpiskang mamahaling sasakyan ng mag-asawang Pacifico at Sarah Discaya.
Babawasan ulit nila ang presyo nito para mas madaling mabili.

Sinisimulan na ng contractor ng MRT Line 7 ang pagtatayuan ng tower support bilang paghahanda sa paglalagay ng girder launcher para sa naturang linya ng tren.
Kaugnay nito, dalawang linya na sa northbound ng EDSA North Avenue ang sarado sa mga motorista.

Tukoy na ng Philippine National Police ang motibo sa pagpatay kay Police Senior Master Sgt. Diane Marie Mollenido at sa kanyang anak.
Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., kilala na rin nila ang mga indibidwal na nasa likod ng krimen.

Dismayado si Philippine National Police Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa pagkakasangkot ng ilang pulis sa iba't ibang krimen.
Sa kabila nito, tiniyak niya na wala siyang palalagpasin sa isinasagawang imbestigasyon at papanagutin ang mga mapatutunayang nagkasala.

Nagiging matunog na naman ang usap-usapan ng panibagong pagpapalit ng liderato sa Senado.
Agad naman itong pinabulaanan ng mga senador, kabilang ang mga miyembro ng Senate Minority Bloc.