
Isinusulong sa Kamara ang panukalang batas na‘No work, No pay’ compensation scheme sa mga mambabatas.
Inihain ni House Majority Leader at Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos ang House Bill Number 7432.

Hinihiling ni Manila 2nd District Rep. Rolando Valeriano na palawigin pa ang suspensyon ni Cavite 4th District Representative Kiko Barzaga dahil sa umano’y patuloy na hindi akmang asal ng kapwa Kongresista.

Nagpahayag ng kumpiyansa ang mga complainant at endorsers ng panibagong reklamong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte na mas matibay ang ebidensya nila ngayong taon.

Isinasagawa sa Kamara ang pagtukoy sa ‘sufficiency in substance’ ng impeachment complaints laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Pagbobotohan ng House Justice panel members kung pasok ba sa impeachable offense ang mga alegasyong nakapaloob sa dalawang reklamo laban sa Pangulo.

Inihayag ni House Senior Deputy Majority Leader at Iloilo 3rd District Rep. Lorenz Defensor ang tumatayong tagapanguna sa Rules Rewriting Committee ng Kamara na nagsimula na silang balangkasin ang pagbabago sa panuntunan ng Kamara kaugnay ng proseso ng impeachment.