Back

UNTV News and Rescue

1:04
Politics

US at India, nagkasundo sa bagong trade deal

February 3, 2026 9:25 PM
PST

Inanunsyo ni U.S. President Donald Trump na nagkasundo ang Estados Unidos at India sa isang trade deal na magbababa sa taripa ng mga Indian product mula 25% tungo sa 18%.

Kasama sa kasunduan ang pagtanggal ng karagdagang 25% na sanction matapos mangako ang India na ititigil ang pagbili ng langis mula sa Russia.

1:20
Politics

Federal agents sa Minneapolis, inutusang magsuot ng body camera sa immigration raids

February 3, 2026 9:32 PM
PST

Inutusan ng Department of Homeland Security (DHS) na magsuot ng body‑worn cameras ang lahat ng Homeland Security officers sa Minneapolis, kabilang ang Immigration and Customs Enforcement (ICE) officers.

Ayon kay DHS Secretary Kristi Noem, ito ay bilang agarang tugon sa matinding batikos na natanggap ng ahensya matapos ang pagkasawi ng ilang sibilyan sa gitna ng immigration crackdown na ipinatutupad ng ICE.

2:19
Crime & Investigation

Babaeng nawalan ng malay sa Baguio City, nirespondehan ng UNTV News and Rescue

February 4, 2026 9:39 PM
PST

Isang babae sa Baguio City ang biglang nawalan ng malay sa kalsada noong Linggo, February 1.

Agad itong nirespondehan ng UNTV News and Rescue.

5:09
Crime & Investigation

Kaso ng pagpatay sa babaeng pulis at anak nito, “case closed” na; asawa ng pulis, ‘di ligtas sa kaso

February 3, 2026 8:18 PM
PST

Hawak na ng mga awtoridad ang lahat ng suspek sa pagpatay kay Police Senior Master Sgt. Diane Mollenido at sa anak nito.

Ayon sa Department of the Interior and Local Government o DILG, itinuturing na “case closed” na ang pagpatay sa mag-ina.

2:57
Politics

PBBM, ipauubaya sa ICI ang desisyon kung nais pang magpatuloy sa kanilang trabaho – Palace

February 3, 2026 8:10 PM
PST

Ipauubaya na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Independent Commission for Infrastructure o ICI ang desisyon sa mga susunod nitong hakbang.

Ayon sa Palasyo, iginagalang ng Pangulo ang ICI bilang isang independent body.
Samantala, mas tututukan na ngayon ni Pangulong Marcos ang estado ng ekonomiya ng bansa.