
- Mga alegasyon sa unang impeachment complaint laban kay Pang. Ferdinand Marcos Jr., itinuturing na walang ebidensya at hearsay ng ilang House Justice Panel members; botohan kung sufficient in substance ang reklamo, ipinagpaliban
- Kaso ng pagpatay sa babaeng pulis at anak nito, “case closed” na ayon sa DILG; asawa ng pulis, hindi ligtas sa kaso
- Cavite 4th Dist. Rep. Kiko Barzaga, hindi dumalo sa pagdinig ng House Ethics Committee sa reklamo laban sa kanya; panibagong suspension o posibleng expulsion, malalaman bukas

Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines na walang mali o nilalabag na batas ang Pilipinas sa pagtatalaga ng exercise zone sa West Philippine Sea.
Kasunod ito ng mga akusasyon ng China na maaaring magpatindi ng tensyon sa lugar.
Kasama sa itinalagang exercise area ang Bajo de Masinloc.

Tinutugis ng mga awtoridad ang gunman at 6 pang suspek sa pagpaslang sa isang pulis na tauhan ng Drug Enforcement Unit sa Malolos, Bulacan.
Naglabas ang Department of the Interior and Local Government ng P1-M pabuya para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng mga salarin.

Muling tinalakay ng House Ethics and Privilege Committee ang kaso ni Cavite Representative Francisco “Kiko” Barzaga.
Ayon sa isang mambabatas, maaaring mapalawig pa ang suspension ng Kongresista o posibleng maalis sa posisyon batay sa desisyon ng komite.

Nagpalitan ng maiinit na salita sina Sen. Raffy Tulfo at Tourism Secretary Christina Frasco kaugnay ng tourism ads sa bansa.
Nagmulan ang isyu sa mga larawan ni Sec. Frasco sa ilang advertisement materials ng DOT na tinawag ng senador na self-promotion.