Back

UNTV News and Rescue

1:41
Weather & Environment

Disaster Operations Center ng OVP, nakahandang tumulong sa mga apektado ng bagyong Basyang

February 6, 2026 8:35 AM
PST

Tiniyak ni Vice President Sara Duterte na nakahanda ang kanilang Disaster Operations Center na tumulong para sa mga kababayan natin na maaapektuhan ng bagyong Basyang.

May paalala rin ang opisina ng Pangalawang Pangulo kaugnay nito.

0:58
Weather & Environment

WEATHER UPDATE: Malalakas na pag-ulan na dala ng bagyong Basyang, mararanasan pa rin

February 6, 2026 8:34 AM
PST

Bahagyang humina ang Bagyong Basyang matapos nag-landfall na ang bagyong Basyang sa may area ng Bayabas, Surigao del Sur.

Sa kabila nito ay makararanas pa rin ng malawak na kaulapan at mga pag-ulan ang ilang lugar sa Bicol at MIMAROPA regions.

1:09
Weather & Environment

Ilang residente sa Iligan, natrap dahil sa mabilis na pagragasa ng tubig-baha

February 6, 2026 8:33 AM
PST

Nakaranas ng mabilis na pagragasa ng tubig mula sa First Riverside Pala-o sa Iligan dulot ng bagyong Basyang.

Nagtulong-tulong ang mga rescuers na masagip ang ilang mga residente na natrap sa kanilang mga bahay.

0:42
Weather & Environment

Malaking bahagi ng Tandag City sa Surigao del Sur, nalubog sa baha

February 6, 2026 8:30 AM
PST

Nalubog sa baha ang malaking bahagi ng Tandag City sa Surigao del Sur bunsod ng malalakas na pag-ulan na dulot ng bagyong Basyang.

0:39
Weather & Environment

Higit 6,000 residente sa Misamis Oriental, inilikas dahil sa bagyong Basyang

February 6, 2026 7:33 AM
PST

Nagpatupad ng forced evacuation sa mga residente sa Gingoog City sa Misamis Oriental dahil sa epekto ng bagyong Basyang.