
Hindi pa rin nakababalik si Senator Loren Legarda mula sa kaniyang medical leave.
Limang linggo nang wala o hindi nakikita ang senadora sa Senado mula nang lumiban ito noong August 3.

Hinikayat ng Supreme Court si Ombudsman Jesus Crispin Remulla na maghain ng pormal na reklamo at ebidensya kaugnay ng mga paratang nito sa hudikatura.
Ito ay matapos punahin ni Ombudsman Remulla ang pagbaligtad ng Court of Appeals sa maraming kasong ibinasura ng Office of the Ombudsman.
- Pagpapababa ng voting threshold o kailangang boto para ma-convict si Vice President Sara Duterte, nais pagdebatehan ng ilang Senator-Judges
- Dating Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan, magsisilbing state witness kasunod ng pagkaka-discharge bilang akusado sa flood control project anomaly cases
- Mga estudyanteng nakaranas ng panic attacks at anxiety sa isinagawang school safety drill, bibigyan ng debriefing at psychosocial support ayon sa ilang guidance counselor
.png)
Iginiit ng Malacañang na prayoridad ng administrasyon ang pagpapatupad ng master plan para sa major river basins ng bansa bilang solusyon sa baha.
Samantala, pinag-aaralan na rin umano ng Department of Public Works and Highways ang tinatawag na Aquino-Singson master plan.
.png)
Posible pa ring muling makipagharap si United States President Donald Trump kay Russian President Vladimir Putin para sa inaasahang kasunduan nila ni Ukraine President Volodymyr Zelenskyy.
Pero ayon kay Trump, hindi siya makikipag-usap kung hindi rin handang makipag-usap si Putin.