
Balak umanong irekomenda ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagsasailalim sa preliminary investigation ng tatlong senador na nadadawit sa isyu ng mga kuwestiyonableng flood control projects ng pamahalaan.
Kabilang sa mga nabanggit sina Senators Francis “Chiz” Escudero, Joel Villanueva, at Jinggoy Estrada.

Isang P76.4 milyon na school building na may “Smart” classrooms ang pormal na itinurn over ng lokal na pamahalaan ng Cagayan de Oro City kahapon.
Ayon sa Local Government Unit, ang bagong pasilidad sa Bulua National High School ay para mahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral at makasabay sa global standards of learning.

Pinamamadali ni Department of Public Works and Highways o DPWH Sec. Vince Dizon ang pagtatayo ng temporary Panul-iran Bridge sa Iligan City matapos itong masira dahil sa pananalasa ng Bagyong Basyang.

Planong lumagda sa isang Memorandum of Agreement ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center o CICC kasama ang Bangko Sentral ng Pilipinas.
Bunsod ito ng mga lumalaganap na scams at cyber fraud sa bansa.

Puwede nang makita ng publiko ang estado ng mga proyekto ng gobyerno.
Kahapon, pormal na inilunsad sa publiko ang Integrity Chain na layong magpakita ng transparency at accountability sa mga government project.