
– VP Sara Duterte kinondena ang umano'y harassment sa kaniya
– 2 opisyal ng DPWH Pampanga, inalis sa pwesto dahil sa kapabayaan
– 7 matataas na opisyal, inilipat ng pwesto sa pinakabagong balasahan sa PNP

Matagumpay na nabuksan ang panibagong season ng UNTV Cup Executive Faceoff sa San Juan City, Sept. 6.
Kung saan nagwagi ang defending champion na AFP Cavaliers at Judiciary Magis sa opening games.

Nagbabala ang Iran ng mas mabilis, mas matindi at mas masakit na ganti kung magpapatuloy ang Estados Unidos sa pag-atake sa kanilang bansa.
Ito ay kasunod ng pinakabagong sagupaan ng dalawang panig matapos kapwa magpakawala ng mga pag-atake sa ilang sasakyang pandagat sa Strait of Hormuz.

Sinaway umano ang mga imbestigador ng Ombudsman habang nagsasagawa ng imbestigasyon sa Taguig City kamakailan.
May paliwanag naman ang lokal na pamahalaan ng Taguig, patungkol dito.

Tinuligsa ng ilang kongresista si Vice President Sara Duterte matapos ang mga pahayag nito nang magtungo sa Quezon City Hall of Justice nitong Sabado para sa kasong grave threats.
Giit ng mga ito, tama na ang drama at harapin ang mga alegasyon laban sa kaniya.