
Nag-radio challenge at nagbantay ang Philippine Coast Guard sa dalawang China Coast Guard ships na nasa Bajo de Masinloc kahapon, November 23.

Nananatiling stable ang core services ng Department of the Interior and Local Government o DILG.
Kaugnay ito ng impormasyon na mayroon umanong breach sa internal systems ng ahensya.

Ilalagay sa full alert status ang National Capital Region Police o NCRPO simula November 28 para sa Trillion Peso March na idadaos sa November 30.

Napanatili ng Bagyong Verbena ang taglay nitong lakas habang kumikilos patungo sa Caraga Region.
Sa ngayon ay nakataas ang Wind Signal no. 1 sa ilang lugar sa Luzon, Visayas, at Mindanao dahil sa bagyo.

All-set na ang mga organizer para sa idaraos na ikalawang Trillion Peso March sa darating na November 30, na matataong kasabay ng Bonifacio Day celebration.